Andrea nalukring kay Kim Soo Hyun


Ibinahagi ni Andrea Brillantes ang naging karanasan niya sa nakaraang fan meet ng kanyang idolong si Kim Soo Hyun.

Matatandaang nabatikos ang aktres dahil sa pagsusuot nito ng bridal gown sa nasabing okasyon na tinawag pa niya ang Korean heartthrob na “asawa” niya.

Hirit ng kanyang detractors, masyado raw papansin at delulu ang Kapamilya actress.

Sa kanyang mahabang post, ikinuwento rin niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-get over sa kanyang kilig moments sa pinaghandaan niyang event ng kanyang ‘crush.

Inamin din niya na nag-breakdown siya bago pa man naganap ang nabanggit na fan meet.

Ipinakita rin ng aktres ang isang litrato kung saan cry to death siya dahil nawala ang tickets niya sa naturang ganap.
Nagpasalamat naman siya sa kanyang brother na nagawan ng paraan ang naging bulilyaso sa kanila sa ticket booth ng Smart Araneta.

Sa huling bahagi ng kanyang message, nagbigay rin siya ng shoutout sa leading man ng “Queen of Tears” at nagpahayag ng kanyang pagnanasang makita itong muli sa susunod na pagkakataon.

Aniya: “Last shoutout sa asawa ko po, miss na kita EMEE! See you ulit pag balik mo ( sana ) Mag-wedding gown padin ako hanggang sa magtabi tayo sa sa picture CHAROT ( sana ).One of the happiest days of my life, as in huhu. Feel ko talaga kinasal ako, kahit nga di na siguro ako ikasal eh happy na ako dito CHAROT We love you Kim Soo-Hyun! ( Ang daldal ko akala mo kinasal talaga, pasensya na okay bye )”

Dagdag pa niya, nalukring daw talaga siya dahil feeling niya ay matched made in heaven daw talaga sila ng idol lalo na nang magbihis ang huli ng all white na bumagay sa kanyang bridal gown na isinuot.

“Share ko lang pala nabaliw talaga ako nung nag bihis siya ng all white. Sa mga post niya wala siyang ganon so syempre delulu ako na matchy kami 😭,” dugtong niya.

May mga kafaneyan naman at supporters na nagsabing nagtagumpay si Blythe na makuha ang atensyon ni Soo-Hyun dahil huli itong manaka-nakang tumitingin sa aktres.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“I am a kdrama fan also and like you I will do the same para lng mapansin ng idol natin(if I have a chance to go to his fan meet)goo Blythe do whatever makes you happy I am happy for you and support you..I a kdrama addict also.”

“ALL WORTH IT!!! He’s got his eye on you🤩🫰 Thanks also for the taking me to see our ultimate crush 🥹 Fangirl heart is sooo happy!!! WE LOVE YOU.”

“sino naman kasi ang hindi mapapansin nyan? grabe yung effffoooorrrrrt huhu

Andrea “Nakuha ang atensyon ni Kim Soo Hyun” Brillantes.”

“When he literally stared at you and suddenly your world stop. 😳❤️ @blythe

ateeeh, bakit parang ikaw nalang tinignan niya buong show😭😭😭 so happyyy for uu

tiningnan ka talaga blythe agree ako walang tatanggi.”

“OK lng mag delulu blythe basta may resebo kse legit tlagang titig din sya sayo .” (Archie Liao)



Source link

Post a Comment

Previous Post Next Post